Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito gadgets lang ang ating hinahawakan at tinututukan. Wala na tayong ibang ginagawa kundi humiga at hawak-hawak ang cellphone. Minsan nga din ayaw na nating gumalaw kahit inuutusan tayo ng ating magulang. Sabi nga nila ang gadgets at may napakalaking papel na ginagampanan sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Pero paano kung nasosobrahan na natin ang paggamit nito? Hindi ba't pag nasobrahan mo ang paggamit nito ay nakakasira sa iyong kalusugan at pati na rin sa iyong pag-aaral?
Tayo na ngayon at nasa makabagong panahon na, na kung saan nakadepende na lahat ang ating mga gawain sa teknolohiya. Umuunlad na nga ang ating panahon ngayon. Napakarami na ngang bagong teknolohiya gaya na lang ng mga cellphone, computer, iPod at iba pa. Marami ding tao ang pabor sa pag-angat ng teknolohiya dahilan na din na nagbibigay ito ng mabuting dulot sa pamumuhay natin. Ngunit minsan talaga marami nang mga kabataan ang nasosobrahan sa paggamit ng gadgets. Kahit man nasa hapag-kainan tayo, halos lahat ng buong pamilya ay gumagamit ng cellphone. Mas pinipili pa nga nilang makapag-isa kasama ang kanilang cellphones kaysa makipag-ugnayan sa kanilang kapwa at pamilya. Nalilimitahan na nga ang kanilang komunikasyon dahil mas pinipili nilang makipag-usap sa ibang tao sa pamamagitan ng social media. Hindi na nga nila mabitawan ang mga ito kahit saan man sila pumunta. Para nga sa ibang tao naging pamilya na nila ang gadgets kaya hindi nila ito maiwan-iwan. Kaya dapat kinakailangan nating alamin ang ilang mabuti at masamang epekto ng gadgets.
Alam naman nating lahat na may mabubuting epekto ang gadgets sa atin isa na rito ay ang mabilis na pagresponde sa mga kaganapan, mabilis na pag-connect sa mga tao kahit malayo man sila, at nakakatulong din sa pag-aaral ng mga kabataan. Ngunit sa kabila ng lahat ng kabutihang naidudulot ng gadgets, mayroon at mayroon pa ring masamang epekto nito gaya na lamang ng pagiging tamad natin, pagkalulong dito na nagiging addiction, at maaaring makasira sa ating pag-aaral dahil sa mga online at offline games.
Dahil dito kinakailangan nating maging mapanuri sa pagamit ng gadgets lalong-lao na sa mga kabataan upang makamit natin ang mapagkalingang ugnayan sa pamilya at sa ating kapwa. Kailangan na alalahanin natin ang mga gadgets ay maaaring makasira sa ugnayan natin ng ating pamilya. Kaya huwag nating abusuhin ang paggamit ng gadgets at kung kaya nating balansehin ang paggamit nito, gawin natin! Laging tandaan na hindi puro mabuti ang mga naidudulot nito. Gamitin natin ang mga ito sa tamang paraan.
References:
https://i.pinimg.com/originals/25/4f/13/254f135816f2ea573ae03281da0c6fdd.jpg
https://i.pinimg.com/originals/30/5d/e8/305de8617fbcc7a52fbfa1081ca9aa1d.jpg
References:
https://i.pinimg.com/originals/25/4f/13/254f135816f2ea573ae03281da0c6fdd.jpg
https://i.pinimg.com/originals/30/5d/e8/305de8617fbcc7a52fbfa1081ca9aa1d.jpg
No comments:
Post a Comment