December 5, 2018

Isulong: Tamang Pag-aaruga para sa lahat ng bata

Related image
    
Kay dami ng mga bata ang pakalat-kalat sa lansangan. Mga batang halos mamatay na sa gutom. Mga kabataan na dapat nagsisipag-pasok sa paaralan. Nasaan ba ang kanilang mga magulang?
   
   Kung hindi sana pabaya ang kanilang mga magulang ay maiiwasan ang mga karumal dumal na mga krimen. Kasalan ng mga pabayang magulang kung bakit nalilihis sa tamang landas ang kanilang mga anak. Ang mga magulang dapat ang magsilbing modelo sa loob man o labas ng tahanan. Ang mga magulang ang unang tao na nakagisnan nila sa mundo. Ang mga magulang ang huhubog at mag-aakay sa kanilang mga anak patungo sa tamang landas ng buhay. Hindi ko lubos na maintindihan ay kung bakit napakaraming mga kabataan ang napapariwara ang buhay. May mga bata pa nga na nagtatrabaho upang may makain sila imbes yung magulang ang nagsasakripisyo ay yung mga anak ang gumagawa. Tanong ko sa aking sarili, "Bakit may ibang mga magulang na ginustong magkaanak pero pagdating na nang responsibilidad nila bilang isang magulang ay hindi nila ito ginagampanan? Bakit pa ba sila nagkaanak kung hindi naman nila kaya o di kaya'y hindi sila handa na harapin ang responsibilidad na iyon?"
Image result for family clipart
   Responsibilidad ng mga magulang ang tamang pag-aaruga nila sa mga anak. Kinakailangan nila ng haba ng pagtitiis at pagtitiyaga. Kailangan na magkatuwang palagi ang magulang sa lahat ng bagay upang mapalaki ng mabuti ang kanilang mga anak. Dapat na maglaan sila ng oras at panahon para sa kanilang  mga anak upang hindi kailanman maligaw ng landas.
 
   Sabi nga ni Jose Rizal na ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan. Kaya pinagsisikapan ng mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak. Kaya ngayon huwag sanang pababayaan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang hindi sila maligaw ng landas.


References:
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwijk-HBroffAhUW5LwKHZGdAoIQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fopenclipart.org%2Ftags%2Ffamily&psig=AOvVaw1plx0o2UoFsnVmwrtOeUUO&ust=1544053623024621
https://www.google.com.ph/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=2ahUKEwiZlOrqroffAhXHfLwKHTwSBEMQjRx6BAgBEAU&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2Fnaenaeja5%2Ffamily%2F&psig=AOvVaw1plx0o2UoFsnVmwrtOeUUO&ust=1544053623024621

No comments:

Post a Comment