August 2, 2018

Wikang Filipino: Daan sa kaunlaran

          Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika o Buwan ng wikang pambansa. Filipino: Wika ng Saliksik, ito ang tema ngayong 2018 na ang ibig sabihin nito ay ang Wikang Filipino ay mainam na instrumento sa isang mahusay na pagsasaliksik. Ano nga ba ang saliksik? Paano nga ba makakatulong ang pananaliksik ang wikang Filipino? Sa anong paraan nito maipapakita ang damdaming makabayan ng Pilipino? Wikang Filipino nga ba ang magiging daan upang umunlad ang ating bansa?
        Ang saliksik o research sa Ingles ay isa sa pinakamahalagang elemento sa pagpapaunlad ng kaalaman. Ito ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Ginagamit ang saliksik sa maraming bagay kagaya na lamang ng paggawa ng thesis at iba pang pag aaralan na kaugnay sa edukasyon. Ang wikang Filipino ay isang mabisang sangkap lalo na kung ito'y lubos na pinapairal sa iba't ibang larangan. Maipapakita ang damdaming makabayan ng Pilipino sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman sa mundo ay nagkakaroon ng pagkilala sa sarili at maipagmamalaki kung kaya nabubuhay ang damdaming makabayan. Minsan nga mas pinipili natin yung wikang Ingles kaysa sa ating sariling wika, Filipino. Kumbaga ang wikang ingles na ay kinikilalang wikang pandaigdig. Isipin natin na may kahalagahan ang wika sa ating buhay. Kung wala tayong wika paano na tayo makikipag-ugnayan sa ibang tao? Paano na natin mailalahad yung saloobin sa isa't isa? Hindi niyo ba naiisip na mahirap makipagtransaksiyon o makipag-ugnayan sa ibang tao. Kung wala tayong wika maaaring maging bunga ito ng kawalan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Ang wika ay maaaring magsulong sa pagbabago at pag-unlad sa ating bansa.
           Kailangan nating pagyamanin pa ang wikang ito. Dahil ito ang magiging susi sa pag-unlad ng ating bansang Pilipinas. Mas tangkilikin at gamitin natin ang ating sariling wika. Sabi nga ni Dr Jose Rizal " Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda". 
                  


References:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananaliksik
https://prezi.com/h-lyra5uvhff/filipino-wika-ng-pananaliksik/
http://liryko.blogspot.com/2018/07/filipino-wika-ng-saliksik-slogans-buwan.html
https://www.affordablecebu.com/_ld/307/95280986.jpg
                    

2 comments:

  1. good naman siya pero bakit naka highlight na un second and last
    paragraph

    ReplyDelete
  2. You should keep making articles, I like your ideas!

    ReplyDelete